Tumulong Nang Bukal sa Kalooban

Pagbabalik

Sa Snap, maraming pagkakataon na gumawa ng pangmatagalang epekto — sa trabaho at sa komunidad!
Ang aming mga programa sa pagbibigay ay nakatuon sa tatlong pangunahing mga haligi: pagbibigay kapangyarihan sa kabataan, edukasyon, at sining. Nagboboluntaryo kami ng libu-libong oras bawat taon sa pamamagitan ng Snap CAMP (Community, Arts, at Mga Mentorship na Proyekto). Nagkukumpuni man kami ng mga bahay para sa mga bagong ina o nag-aalok ng mga libreng coding class sa mga babaeng nangangailangan, palagi kaming naghahanap ng mga bagong paraan para makapagbigay.
Bilang karagdagan sa aming mga naka-sponsor na proyekto ng boluntaryo, ang mga miyembro ng grupo ng Snap ay maaari ding maglaan ng bayad na oras bawat buwan upang magboluntaryo sa isang kawanggawa na kanilang pinili na nakaayon sa aming tatlong mga haligi ng pagbibigay. Nais naming tulungan kang magbigay pabalik, ayon sa iyong paraan!

Snap Council

Ang Council ay ang gawi ng pagsasama-sama ng mga tao para magbahagi ng kwento, makinig, at magsalita mula sa puso. Ang mga miyembro ng team ay may pagkakataong magsalita nang hindi ginagambala, kung saan matitiyak na ang lahat ay may pagkakataong marinig. Habang nagbabahagi ng mga kwento, buong-pusong nakikinig ang iba. Naglilinang ito ng ingklusibong kapaligiran sa trabaho kung saan nararanasan ng mga tao ang pakiramdam na maging kabahagi.
Isa kaming pandaigdigang kumpanya na lumulutas ng mga kumplikadong problema — kaya mahalagang imbitahin namin ang bawat boses sa usapan at palalimin ang aming kakayahang makinig sa isa't isa.

Handa nang sumali sa Team Snap?